ISANG LALAKI ang dinakip ng pulisya sa lalawigan ng Misamis Oriental matapos nitong patayin at pugutan ng ulo ang isang babae at inulam pa diumano ang utak ng biktima.
Naganap ang brutal na krimen kamakailan lamang sa Barangay Punta Santiago sa bayan ng Talisayan at ayon sa ulat ay natunton ng pulisya ang suspek na nakilalang si Lloyd Bantog. Nabatid na balak rin ng suspek na lutuin ang ulo ng babae.

Hindi pa rin nakikilala ang identipikasyon ng biktima, subalit base umano sa mga ulat ay naturete ang suspek dahil sa pagiging Inglesera ng babae at kung kaya’t pinatay ito.
Ayon sa pulisya, naabutan pa umano ng mga parak ang kanin ng suspek na may mga pirasong utak ng kanyang biktima sa loob ng kubo nito sa bukirin at doon ay natagpuan rin ang ulo ng babae na isinilid sa isang sako.

Ang katawan naman nito ay naiwan lamang sa labas ng kubo at wala ng saplot sa pang-itaas. Hindi mabatid kung may diperensya sa pagiisip ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong pagpatay. Wala rin umano itong kaanak sa lugar. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates