Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Babaeng Muslim at kinakasama nito, itinumba sa Zambo
  • Featured
  • Mindanao Post

Babaeng Muslim at kinakasama nito, itinumba sa Zambo

Desk Editor January 18, 2018

ZAMBOANGA CITY – Isang babaeng Muslim at ang kinakasama nitong Muslim rin ang pinagbabaril sa kanilang inaarkilang kuwarto sa magulong lungsod ng Zamboanga sa Mindanao.

Nakilala ang mga nasawi na si Sahara Kibari, 32, at ang partner nitong si Alson Arraji, 23. Pinatay ang dalawa kamakalawa ng gabi sa Barangay Calarian di-kalayuan sa kampo ng Western Mindanao Command at ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Posibleng umanong kilala ng babae ang salarin dahil bago ang pamamaril ay narinig umano ng may-ari ng boarding house na nakikiusap si Sahara sa suspek at sinabi nito sa wikang Tausug na: “Ayaw na ‘toh,” at saka umalingawngaw ang mga putok ng baril.

Nakita naman palabas sa lugar ang isang lalaking payat na may balbas na hinihinalang salarin. Sa katawan at braso ang tama ni Sahara, samantalang sa ulo naman tinira si Alson. Nabawi sa lugar ang mga basyo ng .45-caliber pistol. 

Nabatid na ika-apat na partner na ni Sahara ang binata. Hiwalay umano si Sahara sa tatlong naging ka-relasyon nito – ang isa ay sundalo at ang isa naman ay parak na naka-destino sa lalawigan ng Sulu – ayon sa mga ulat.

Kalilipat lamang umano ni Sahara sa lugar nitong Enero, ngunit may bahay naman ito sa iba pang barangay sa Zamboanga. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay, ngunit mahigpit na ipinagbabawal sa Islam na ang mga babaeng Muslim ay magkaroon ng relasyon sa ibang lalaki. 

Kaliwa’t-kanan ang patayan sa Zamboanga at halos hindi pa nalulutas ang mga kaso na tinatayang halos isang dosena na mula nitong taon. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper  

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Lolo nagpatiwakal sa sariling libingan
Next: ARMM begins Maguindanao land survey, to distribute titles to beneficiaries

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.