
MAS hihigpit na ang pagyakap ng mga manonood sa huling linggo ng top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na “Bagito” na pinagbibidahan ng Kapamilya teen star na si Nash Aguas. Ang finale episode ng “Bagito” na pinamagatang “The Last Embrace” ay mapapanood na sa Marso 13 (Biyernes).
Sa kabila ng naging desisyon niya na ibalik ang batang inakala niyang anak niya kay Vanessa (Ella Cruz), handa na si Drew (Nash) na kalabanin ang tunay na ama ni Baby Alby na si Ralph (Alex Diaz) upang protektahan ang batang minahal at inalaagaan niya mula sa iresponsableng tatay nito.
Ano ang gagawin ni Drew para mapatunayan na hindi inaalagaan nina Vanessa at Ralph nang mabuti si Baby Alby? May pag-asa pa ba siyang mabawi si Baby Alby sa kabila ng katotohanan na hindi siya ang totoong ama nito? Samantala, may back-to-back fans’ day naman na regalo ang buong cast ng “Bagito” ngayong weekend (Marso 7 at 8) bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta ng TV viewers sa top-rating primetime teleserye mula nang umere ito noong Nobyembre.
Samahan sina Nash, Ella, Alexa Ilacad, at Gimme 5 sa “Panagbenga Kapamilya Karavan” ng ABS-CBN Regional ngayong Sabado, alas kwatro ng hapon, sa Melvin Jones Grandstand sa Burnham Park, Baguio City, at sa “Bagito” farewell mall show ngayong Linggo, alas sinko ng hapon, sa Ayala Fairview Terraces.
Huwag palampasin ang mga huling linggo ng “Bagito,” gabi-gabi, bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida.
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News