MARAWI CITY – Matapos na inanunsyo ng pulisya na si Malaysian jihadist Amin Baco na ang tumatayong lider o emir ng Islamic State sa Southeast Asia ay sinabi naman ngayon ng militar na posibleng napatay nila ang dayuhan sa Marawi City.
Ayon sa Western Mindanao Command, inaalam pa umano nito kung ang isa sa 9 na napaslang na ISIS fighter nitong nakaraang linggo ay si Baco. Kailangan pang isalang sa DNA test ang mga bangkay upang masigurong si Baco nga ay patay na.
Sa ngayon ay wala umanong lider ang mga nalalabing ISIS sa Marawi. Bagamat hindi matiyak ng militar ang tumpak na bilang ng mga “stragglers” ay naunang sinabi ni Indonesian jihadist Muhammad Syahputra na may 39 pang militants ang nasa main battle area.
Nadakip si Syaputra noon nakaraang linggo lamang at inamin nitong si Baco na ang pumalit sa napaslang na si ISIS at Abu Sayyaf chieftain Isnilon Hapilon na napatay noon nakaraang buwan lamang.
Si Baco ay miyembro rin ng Jemaah Islamiyah, isang radical group na responsable sa mga pambobomba sa Indonesia. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper