MANILA (Mindanao Examiner / Apr. 13, 2013) – Hindi pa man opisyal na nailalabas sa mga telebisyon ay kaliwa’t-kanan na ang magagandang papuri ang tinanggap ng bagong MTV ni United Nationalist Alliance senatorial candidate JV Ejercito Estrada na ngayon ay nasa YouTube na.
Pinamagatang “Let’s Vote for JV,” ang MTV ay nagpapakita sa suportang tinagtanggap ni Ejercito Estrada mula sa ibat-ibang sektor sa lipunan. Kasama ni Ejercito Estrada sa naturang MTV ang magandang aktres na si Sam Pinto na siya rin nanguna sa video commercial ng “Ako YON” o (Youth of the Nation).
“Astig, ang ganda at game na game talaga si JV kahit saan. The best at JV Ejercito Estrada na talaga para sa bayan,” ani Adhie Quilon sa iniwan nitong comment sa YouTube na kung saan mapapanood ang MTV sa URL na ito: http://www.youtube.com/watch?v=iFaI06X1X2w&feature=youtu.be.
Ang bagong MTV ay mula sa orihinal na musikang “Call me Maybe” ng tanyag na na singer na si Carly Rae Jepsen. May pahintulot rin si Ejercito Estrada na gamitin ang naturang melody ng awitin at sa kanyang bersyon na “Hey, Siya si JV, Like ng Marami.”
Makikita rin dito na bigay na bigay si Ejercito Estrada at umiindak-indak pa sa melody ng kanyang MTV.
Ang MTV na may pamagat na “Let’s Vote for JV,” ay may habang 90 segundo at ito ang sinasaad nito: “Basta’t para sa bayan, siya ay maaasahan, kayo’y handang tulungan, JV kanyang pangalan. Basta sa kabataan, siya ay naninindigan hindi ka iiwanan, kayo’y ipaglalaban. At sa Senado, dapat siyang iboto, taong may prinsipyo, eto na ang like ng tao.”
“Hey, siya si JV, like ng marami, para sa bayan. Let’s vote for JV. At sa Senado, atin siyang kakampi, tapat sa bayan. Let’s vote for JV. Dapat ay si JV. At sa Senado, atin siyang kakampi, tapat sa bayan. Let’s vote for JV.”
Si Ejercito Estrada, na anak ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, ay ang kasalukuyang congressman ng San Juan City, at kabilang sa mga nangunguna sa ibat-ibang pre-elections survey sa bansa. (Mindanao Examiner)