NORTH COTABATO — Dalawa katao ang naiulat na nasugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada ng ‘di pa nakilalang suspek sa bahay ng alkalde sa Purok, Pag-asa, Brgy. Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat, Sabado ng umaga.
Sa phone interview kay Mayor Ramon Abalos ng munisipyo ng Lambayong, nangyari ang insidente alas-6:38 ng umaga kungsaan nag-uusap ang alkalde ang isang konsehal ang pinsan nito.
Kinilala ang mga sugatan na sina Councilor Carlos Abalos, nakababatang kapatid ng alkalde at Richard Abalos, pinsan ng opisyal at kasalukuyang Assistant Public Supervisor ng Lambayong.
Maswerte namang di tinamaan ng shrapnel ang alkalde habang napinsala naman ang ilang mga sasakyan na nakaharang sa kanila ng sumabog ang granada.
Bukod sa bahay ng alkalde ay kasabay din na hinagisan ng granada ang kanilang himpilan ng pulisya at namaril pa ang mga suspek ng sibilyan.
Wala namang walang natamaan.
Inamin ng alkalde na may natatanggap na itong death threat dahil sa patuloy na kampanya kontra illegal na droga at ang mga nasagasaan ng mas pinaigting na kampanya kontra anumang illegal aktibidad sa kanyang nasasakupan.
Sa ngayon mas hinigpitan na ng pulisya ang kanilang pagbabantay sa paligid.
Naibigay na rin ang CCTV footage na posibleng makakatulong sa imbestigasiyon dahil nahagip umano ang mga suspek sa CCTV Camera sa bahay ng alkalde. Rhoderick Beñez