
SANTIAGO CITY (Mindanao Examiner / Jan. 3, 2013) – Pinasabugan ng mga di-kilalang grupo ang bahay ng isang konsehal sa Santiago City at posibleng may kinalaman ito sa pulitika.
Sa isang panayam ay sinabi ni Konsehal Paul De Jesus na nakakatanggap ito ng mga banta sa kanyang buhay. Sinabi ni De Jesus ma may kinalaman ang atake sa kanyang pagtakbo bilang vice mayor sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.
Kaya naniniwala diumano ito na may kaugnayan sa kanyang pagtakbo sa pulitika ang motibo sa pambobomba. Walang nasugatan sa atake at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
Wala rin umako sa pagsabog, ayon pa sa pulisya. (Francis Soriano)