
MANILA (Mindanao Examiner / Apr. 17, 2013) – Hinahabol pa rin ng kanyang nakaraan si Bam Aquino – na ngayon ay nagaambisyon maging senador sa ilalim ng kanyang pinsan na si Pangulong Beningo Aquino – dahil sa pagiging oportunista umano nito.
Si Bam ay nanilbihan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Arroyo bilang pinuno ng National Youth Commission.
Kaliwa’t-kanan ang eskandalo ng dating administrasyon mula sa alegasyon ng pandaraya sa halalan hanggang sa isyu ng korupsyon at maging ang pagsupil sa media at sa mga grupo ng kabataan at organisasyon na ayaw sa pamamalakad sa pamahalaang ni Arroyo.
Kinunsinti rin umano ni Bam ang mga kabuktutan ng pamahalanag Arroyo sa kabila ng kaliwa’t-kanan protesta ng taong-bayan at ibat-ibang mga civil society organizations kontra kay Arroyo. At ngayon ay ginagamit naman ni Bam ang slogan ng pamahalaang Aquino na “matuwid na daan” sa kanyang propaganda.
Binansagan pang “oportunistang ambisyoso” si Bam ng mga aktibista at mga grupong kontra sa dinastiyang Aquino dahil ng nanalo si Pangulong Benigno ay sinamantala akad ito ni Bam upang maipasok ang sarili sa senatorial line-up ng Team PNoy para sa May elections.
Isyu pa rin ang television campaign ad nito dahil sa pag gamit kina dating Senador Benigno Aquino at dating Pangulong Cory Aquino kahit pa namayapa na ang mga ito. Nasa nasabing campaign ad rin si Pangulong Benigno. (Mindanao Examiner)