
DIPOLOG CITY (Mindanao Examiner / Apr. 25, 2013) – Hindi pa rin mabatid ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa isang 20-anyos na lalaki na natagpuan sa sementeryo ng Dipolog City sa Zamboanga del Norte.
Nakilala naman ng mga awtoridad ang bangkay na si Jeymar Sagan na huli umano nakitang pumasok sa sementery nuong nakaraang linggo ngunit kamakailan lamang ito nadiskubre dahil sa masansang na amoy.
May mga tama rin ng bala at saksak ang biktima sa kanyang katawan, ngunit hindi pa malinaw ang motibo sa krimen. Subalit sinabi ng pulisya na may nabawi silang basyo ng .45-caliber pistol sa lugar at mga plastic na hinihinalang pinaglagyan ng shabu at isang piraso ng aluminium foil.
Hindi pa mabatid kung may kinalaman sa droga ang pagpatay sa lalaki o onsehan sa bentahan ng shabu. Walang umako sa pagpatay kay Sagan at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. (Mindanao Examiner)