
SULTAN KUDARAT – Isang insidente ng pamamaril ang naganap sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao province kung saan nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang isang barangay kagawad na siyang naging sanhi ng kamatayan nito habang sinasabi naman ng pulisya na alitan sa pagmamay-ari ng lupain ang posibleng dahilan nito.
Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si Melencio Romagon at nakatira sa Barangay Pangun sa bayan ng South Upi sa Maguindanao. Ayon naman sa anak nitong babae ay bumibili lamang umano ng mai-uulam ang biktima ng ito ay tinira ng 2 hindi pa nakikilalang salarin.
Kilala ang biktima sa pagiging palaban nito sa lupaing naipagkaloob pa sa kanila na mga miyembro ng “Bangian Dulangan-Teduray” noon rehimeng Marcos bilang “resettlement area” ng kanilang tribo at sinasabi namang ngayon ay inaangkin ng nakilala lamang sa bansag na “Ustadz” at sinasabing lider ng Moro Islamic Liberation Front. (Rose Muneza)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net