ZAMBOANGA SIBUGAY – Patay ang isang 27-anyos na lalaki at sugatan ang 3 iba pa sa naganap na pamamaril kahapon ng madaling araw sa loob ng Planet Disco sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay province.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Gerald Jan Cordero, na tubong-Isulan sa Sultan Kudarat province. Isinugod pa umano ito sa Henry Divilia Hospital sa nasabing bayan, Ngunit dead on arrival na ito.
Ang mga sugatan naman ay nakilalang sina Seperino Andres Damacino at Giovanie Judor, 27, na parehong taga-Zamboanga del Norte; at Al Jerald Santos, 36, ng Zamboanga Sibugay. Hindi naman mabatid kung nagkaroon ng labo-labo sa disco at kung sino ang namaril.
Walang inilabas na karagdagang detalye ang pulisya ukol sa krimen, maliban lamang na nakatakas ang suspek. “Ipil municipal police is still conducting hot pursuit operation and follow up investigation for possible identification and arrest of the suspect who fled to unknown direction,” pahayag pa ng pulisya. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper