ZAMBOANGA CITY – Dinakip ng pulisya ang isang 24-anyos na lalaki matapos na umano’y gahasain nito ang isang palaboy na dalagita sa Zamboanga City.
Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek na si Dennis Roxas dahil sa reklamo ng pamilya ng batang nilapastangan nito ng paulit-ulit sa loob mismo ng refugee shelter sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex sa R.T. Lim Boulevard.
Nabatid na ang biktima ay kinaibigan ng suspek at dinala sa kanyang tent kamakalawa at saka pinakain at binigyan pa ng rugby na tinanggap naman ng bata na gumagamit rin umano nito.
Nagalit pa ang suspek ng bumalik ito at wala na sa kanyang tent ang bata at hinanap sa labas at ng matagpuan ay hinila itong pabalik sa kanyang lugar at doon ay itinali ang meniro de edad at ginahasa hg 3 beses.
Matapos ng kanyang kamunduhan ay pinauwi ni Roxas ang bata, ngunit nagsumbong naman ito sa kanyang mga magulang at doon nabatid ang ginawang pambababoy ng suspek sa biktima. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News