Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Bata, tigok sa gulpi ng sariling ina!

Bata, tigok sa gulpi ng sariling ina!

Editor January 16, 2013
Child-Abuse
Image from fanpop.com
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 16, 2013) – Nahaharap sa kasong kriminal ang isang ina matapos nitong mapatay sa bugbog ang paslit na anak sa bayan ng Dumalinao sa Zamboanga del Sur.
Sa ulat ng pulisya ay nabatid na ginulpi ng inang si Ritchie Remasog, 24, ang anak sa loob mismo ng kanilang Bahay sa Barangay Baga at sa kabila ng pagsusumamo ng bata ay tila bingi ito. Wala rin nagawa ang mga kapit-bahay sa pagmamalupit ng ina.
Nabatid pang naisugod sa pagamutan ang 8-buwang bata dahil halos hindi na ito makagalaw sa tinamong mga pasa sa katawan. Subalit sa murang katawan ng bata ay hindi nito nakayanan ang matinding gulpi na tinanggap mula sa ina.
Hawak na ng pulisya ang ina at ngayon ay nakapiit na sa Zamboanga del Provincial Jail, ayon kay PO2 Cyril Macasasa.
Base sa imbestigasyon ng pulisya ay may diperensya sa utak ang babae at pasulpot-sulpot ang sakit nitong namana pa umano sa ina.
“Base sa imbetigasyon ni PO3 Maricar Felina ay may diperensya ang ina, pero kinasuhan pa rin namin siya sa pagkakapatay sa bata at ang korte na ang siyang magdedetermine nito,” ani Macasasa sa panayam ng Mindanao Examiner.
Nabatid pang battered wife ang babae at nakasuhan na rin noon ang asawa ng physical abuse, ngunit wala rin nangyari sa asunto. 

Nagulat na lamang ang lalaki ng ito’y umuwi sa kanilang bahay matapos ng isang linggong paglalayas na iba na ang ikinikilos ng asawa hanggang sa bigla na lamang pinaghahataw ang sanggol. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Pinoy peacekeeper gets award for bravery
Next: Abu Sayyaf rebels reject MNLF demands to free foreign captives

Trending News

Manny Pacquiao Returns to Rewrite History – The Fight That Will Inspire a Nation Pacquiao 1
  • Sports

Manny Pacquiao Returns to Rewrite History – The Fight That Will Inspire a Nation

May 29, 2025
Optum Philippines celebrates first anniversary of Davao Hub and Davaoeño talent MAJ03649 2
  • Business

Optum Philippines celebrates first anniversary of Davao Hub and Davaoeño talent

May 29, 2025
PhilHealth Speeds Up Payments, releases over P592M to NKTI in less than 5 Months PhilHealth1 3
  • Health

PhilHealth Speeds Up Payments, releases over P592M to NKTI in less than 5 Months

May 29, 2025
BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi Health-mission 4
  • Mindanao Post

BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi

May 28, 2025
911 in Camiguin town logs over 500 calls since January Service-expansion 5
  • Mindanao Post

911 in Camiguin town logs over 500 calls since January

May 28, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.