Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Batang mangingisda niratrat sa karagatan
  • Featured
  • Mindanao Post

Batang mangingisda niratrat sa karagatan

Desk Editor April 12, 2016

 

 Ang bangkay ni Mujib Usman. (Mindanao Examiner / Ely Dumaboc)

Ang bangkay ni Mujib Usman. (Mindanao Examiner / Ely Dumaboc)

9392e797-c1fa-4b46-8b75-2fb2952afb40 ac01e6dd-f98e-43d0-bc77-21e68ce270d9

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang 12-anyos na estudyante matapos itong ratratin ng isang crew ng fishing boat sa karagatan ng Zamboanga City habang nangingisda kasama ang dalawang iba pa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mujib Usman at isang tama sa ulo ang ikinamatay nito. Nabatid na nangingisda sina Usman sakay ng kanilang pump boat ng sila’y mapalapit sa F/B Nancy 1, ngunit laking gulat na lamang nila ng sila’y pagbabarilin, ayon sa mga kasamahan ng biktima.

Nahulog pa sa pump boat si Usman at kinuha pa ito ng kasamahan habang patuloy ang pamamaril na naganap kamakalawa ng hating-gabi. Kaninag umaga ay nakabalik na sa kanilang lugar sa Barangay Labuan ang mga nakaligtas sa atake.

Sinabi ng pamilya ni Usman na masipag na bata ang napaslang at sa tuwing walang pasok ay nangingisda ito upang may maitabing pera na siyang gagamitin sa pagbili ng mga notebooks at papel sa klase.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at hindi pa umano bumabalik ang fishing boat sa Zamboanga. Bukod sa murder ay mahaharap rin sa kasong illegal possession of firearms ang kriminal dahil maghigpit ang pagbabawal sa pagdadala ng armas ngayon political campaign season. Hindi pa mabatid kung may papeles ang armas at kung sino ang bumaril. (E. Dumaboc)

Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Afghanistan: Former Taliban fighters flee ISIS brutality – CNN News
Next: Jihadists free 4 hostages in Southern Philippines

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.