
SA GANANG akin, ang mga umiiral na batas ay isang gabay o panuntunan sa lipunan upang magkaroon ng restriksiyon ang mga nilalang mula kina “Eba at Adan” upang mai-ugnay naman ang 10 Banan na Kautusan mula sa Poong maylikha ng lahat.
Subalit sa kabila ng karunungan at kredibilidad na taglay ng mga gumawa ng batas; tila hindi tayo kumbinsido na ang pagpapatupad sa naturan ay naa-ayon o di kaya ay laan lamang para sa isang malinis at kaaya-ayang sosyedad sa ating lipunang ginagalawan.
Pansamantala ay hayaan po muna ninyong tumbukin ko ang partikular na batas sa ating trapiko at isahog mo na rin sa naturan na ang pangunahing bibigyan natin ng pansin aay ang mga ahensiyang naatasang ipatupad ito nang sa ganoon ay hindi palaging sangkot sa sakuna na madalas na nagbubunsod ng kamatayan sa marami nating mga kababayang motorista at masahol pa diyan; ang malayong agwat ng pumupunta sa kaban ng ating bayan sa bulsa ng iilang taong naatasan lamang.
Una – ang “Land Transportation Office” (LTO) ay siyang namamahala o nangangasiwa sa mga rehistro at pagpapa-lisensiya ng sinumang indibidwal na kwalipikado (maski nga ata hindi kwalipikado) at napansin natin na sa proseso pa lamang ay katakut-takot na pangaral o seminar na susundan pa ng pagsusulit at aktwal na pagma-maneho bago magawaran ng lisensiya ang isang indibidwal.
Bakit sa tila maganda naman sanang proseso ay kung titingnan mo ang mismong rekord mayroon ang otoridad, aba, nakakabahala ang mga aksidente at sakuna sa mga daan at hindi lamang iyan bakit kung titingnan mo ang maraming drivers na nabigyan ng lisensiya ay tila hindi man lamang ata “alam” ang umiiral na panuntunan o batas nang sa ganoon ay malayo sa kapahamakan ang mamamayan!
Sa puntong ating paghalukay sa isyu, sa halos lahat ng napuntahan kong mga sangay ng LTO; nakita natin ang talamak na presensiya ng tinatawag na mga “fixers”-mga fixers na walang ginawa kundi “super laki” ang hinihingi kaysa sa regular na nabibigyan ng opisyal na resibo mula sa nasabing tanggapan, mga “kuno” ay nangangaral at nagbibigay ng pagsu-sulit na mayroon na palang “S.O.P” at maya’t maya lamang ay nariyan na ang lisensiya ng isang aplikante, pangatlo mga nalalagay na mga STRO’s na may “lagay” naman pala sa kani-kanilang “pontio pilatong” direktor at higit sa lahat ang sistemang ginagawa naman ng ilang “kuno ay media” na nangongotong sa mga sangkot upang hindi maibulgar ang mga “kalokohang” ginagawa ng aking mga sinabi.
Idagdag ko na rin sa aking listahan ang mga “LETAS” kasama na rin diyan itong marami-raming miyembro ng PNP-HPG na madalas ay nasa mga Daang Nasyonal at mukhang hindi nga kagandahan ang aking madalas na narinig sa ilang mga nagma-maneho-“ANDIYAN NA NAMAN ANG MGA BUWAYA” na tila baga naging “curious” lalo tayo.
Dito nga tumambad sa aking pagsi-siyasat ang tulad ng sistemang “lagay sa daan” at ang sistemang aregluhan sa mas mababang halaga kaysa sa ipinapataw ng batas na multa at kung aking susumahin halos “butata ang kaban ni Juan dela Cruz” sa mga lagay na ganyan.
Papaano na kaya ngayon at may batas na naman ang “Land Transportation Franchising and Regulatory Board” (LTFRB) na nagpapataw ng multa sa mga “kolurum” na mga sasakyan? Sa tingin kaya ninyo; hindi lalala ang usapin sa korapsiyon sa lagay na iyan?
Hesusmaryosep! “Kamoteng baletungeg” aba, kailangan marahil ay pag-isipan nga naman ninyo ang ipina-palabas ninyong mga multa o baka naman parusa na iyan! Alin kaya ang mas tama; iyong lumalabag, iyong nanghuhuli o iyong nagpapa-multa?
Marahil ay hindi na po kaila sa ating marami ang sinasabing “Money is the root of evil” at paumanhin nga pala sa isang Sultan diyan sa bahagi ng Sulu; aba magbayad naman kayo sa utang ninyo sa Mindanao Examiner at hindi iyong animo sa tingin ninyo sa sarili ninyo ay hari kayo.
Ito po ay paunang isyu mula po sa inyong lingkod at sana sa pagkalagas ng mg ilang bahagi sa dahon ng kada pahina natin ay tangkilikin po ninyo ang Mindanao Examiner at iyong nagbibigay ng kung anu-anong “Award” bilang Best Regional Newspaper ang diyaryong ito, ito ang aking masasabi hindi po kami 20k lamang!
Mahiya ka naman! Hanggang sa muli at sana ay lalawig ang ating samahan! (leod164@gmail.com)
Reactions from the Readers:
Kudzack Makalimban (FB): sana pati LTO branch tacurong sultan kudarat masilip din ang kotongan jan. pagbabayarin ka ng nasa 1,900 para sa lisensya pero ang ibibigay na breakdown sa resibo ay 600 plus lng. im sure hnd nman basta-basta gagawa ang mga tauhan ng lto doon na hnd alam ng nakakataas sa kanila.