
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / July 22, 2012) – Dahil sa matinding pag-ibig, isang babaeng Muslim ang dinukot ng diumano’y manliligaw nito sa lalawigan ng Sulu, bagama’t labag sa batas ito ay pangkaraniwan naman ang ganitong mga kaso sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi ng pulisya na si Rania Suaso, 25, ay tinangay sa bayan ng Jolo kamakalawa at nabatid pang empleyado ito ng Center for Agriculture and Moral Development.
Patuloy ang paghahanap ng pulisya sa dalaga, ngunit nakikipag-usap na umano ang salarin sa pamilya ng babae at nangakong pakakasalan ang dalaga.
Handa rin umanong magbayad ng dowry ang lalaki sa pamilya ng kanyang napupusuan.
Ngunti galit pa rin ang kaanak ng babae sa manliligaw dahil sa ginawa nitong pamumuwersa. Hindi naman agad mabatid kung mayroong ibang nobyo ang biktima. (Mindano Examiner)