Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Bebot, kelot inupakan sa Dipolog City

Bebot, kelot inupakan sa Dipolog City

Editor August 4, 2014
Police-Files1

ZAMBOANGA DEL NORTE (Mindanao Examiner / Aug. 4, 2014) – Patay ang isang ginang at sugatan naman ang isang lalaki sa hiwalay na pamamaril sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte province.

Sinabi kahapon ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na parehong under investigation ang dalawang kaso na naganap ilang oras lamang ang pagitan nitong Linggo ng gabi.

Nauna umanong nabaril ng mga “riding-in-tandem” si Juancho Regencia, 43, sa Purok Evergreen sa Barangay Santa Felomina na kung saan ay tinugis ito ng mga salarin habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Ilang beses na pinaputukan si Regencia at nahagip ito ng isang beses sa katawan, ngunit nakuha pa nitong tumakas at magtungo sa pagamutan.

Ngunit hindi naman sinuwerte si Alma Tan, 43, at napaslang ito sa loob ng kanilang bahay sa Malvar St. sa Barangay Miputak. Karga-karga pa ni Tan ang kanyang sanggol ng ito’y barilin sa kanyang ulo ng salarin. Hindi naman nasaktan ang anim-buwang sanggol.

Nabatid kay Samuddin na tumaya pa ang salarin ng ‘swetres’ sa live-in partner ni Tan na si Eddie Rinos at matapos nito ay tumambay ito sa labas ng bahay at hihintayin umano ang resulta ng bola sa swetres.

Ngunit ng makita ang babae na umupo sa sala at manood ng telebisyon ay doon na umano tumira ito ng salarin. Sa bintana mismo sa labas ng bahay pumuwesto ang lalaki at saka inupakan si Tan.

Mabilis rin na tumakas ang salarin matapos ng pamamaril, ayon sa pulisya. Hindi pa mabatid ng awtoridad ang motibo sa dalawang krimen, ngunit talamak ang barilan at patayan sa Dipolog City. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Professor na dinakip ng militar, laya na!
Next: Trapped Between Delusion And Denial by Dr. Alon Ben-Meir

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 2

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 3

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 4

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 5

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.