ZAMBOANGA CITY – Sinampahan na ng kasong kriminal ang isang babae na umano’y dumukot sa sanggol sa Zamboanga City.
Sinabi ng pulisya na naihain na nila ang kaso laban sa suspek na si Melody Luna, 35. Dinukot diumano ni Luna ang sanggol sa isang bahay sa Kasalamatan Drive sa Barangay Kasanyangan nitong buwan, ngunit nabawi naman ito ng pulisya matapos na maglunsad ng operasyon laban sa babae.
Sinabi ni Chief Inspector Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, na nahaharap sa kasong “kidnapping and serious illegal detention” si Luna at hawak na ni Judge Peter Eisma, ng Regional Trial Court Branch 15, ang kaso.
“No bail bond recommended. Accused was committed to Zamboanga City Reformatory Center,” ani Alabata.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Luna ukol sa kaso. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Copies: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper