
ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / Apr. 18, 2013) – Isang babae sa bayan ng R.T. Lim sa Zamboanga Sibugay ang nagpatiwakal matapos itong iwan ng kanyang live-in partner tangay ay kanilang mga anak at nagtungo sa Zamboanga City.
Ayon sa pulisya kahapon ay tatlong buwan na umano ang lumipas ng layasan ni Apolonio Monteverde ang 22-anyos na live-in partner nitong si Celsa (hindi tunay na pangalan) sa kanilang tirahan sa Barangay Silingan at dala ang mga anak sa hindi pa mabatid na kadahilanan. Hindi naman sinabi ng pulisya kung ilan ang anak ng babae.
Base sa salaysay ng mga kapit-bahay, umaga pa lamang ay nakita na nilang naglalasing si Celsa dahil umano sa matinding sama ng loob at pangungulila sa mga anak. Ngunit laking gulat na lamang ng mga ito ng matanaw si Celsa na nakabitay na sa loob ng kanilang bahay.
Tinangka pa umano itong dalhin sa pagamutan, ngunit malamig na ang katawan nito ng saklolohan ng mga kapit-bahay. Hindi naman agad mabatid kung alam ni Apolonio ang trahedyang naganap sa kanyang live-in partner. (Mindanao Examiner)