
ZAMBOANGA DEL NORTE – Isang dalaga ang nasawi matapos nitong silaban ang sarili sa hindi pa mabatid na kadahilan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte sa western Mindanao.
Sinabi ng pulisya na nakatanggap ito ng tawag mula kay Maria Nelfa Dolota, 45, na residente ng Barangay Kanim nitong linggo lamang upang ipaalam ang nakagigimbal na balita ukol sa pagpapakamatay ni Cheryl Lumanta, 26.
Agad rin nagtungo ang mga parak sa lugar at doon natagpuan ang sunog na katawan ng babae. Nabatid sa pulisya na binuhusan umao ni Cheryl ang kanyang katawan ng gaas at saka sinilaban ang sarili.
Ayon sa mga kapitbahay ay huli nilang nakita na lango sa alak ang babae at sa pagaakalang may problema lamang ito ay hindi na pinansin ang kakaibang kilos ni Cheryl.
Sinabi ng pulisya na may mga 3rd degree burns ang biktima sa kanyang mukha at buong katawan at sa isinagawang pagsusuri ni Dr. Feliciano Lim sa pagamutan ay nasawi ang babae sanhi ng “cardio respiratory arrest secondary to 3rd degree burns.”
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa kaso. Walang pahayag ang mga kaanak o pamilya nito at hindi rin sinabi ng pulisya kung may nakuha silang anuman impormasyon sa pagpapakamatay ni Cheryl.
Bihira ang kasong suicide sa pamamagitan ng pagsisilab sa sarili sa bansa at karaniwang ginagawa ito ng mga Buddhist monks sa China bilang protesta sa paninikil sa kanilang kalayaan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net