Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Benepisyo Ng Malunggay Ni Dr. Willie T. Ong
  • Featured
  • Health

Benepisyo Ng Malunggay Ni Dr. Willie T. Ong

Editor March 8, 2015

ALAM ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa gulay ng malunggay, marami din ngayong nagbebenta ng malunggay bread, malunggay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay.

Very healthy ang malunggay at madali lang itanim. Ang sabi nga ng mga negosyante ay baka malunggay ang magpalakas ng ekonomiya ng Pilipinas. Alamin natin ang galing ng malunggay.

Madaming Bitamina

Ang dahon ng malunggay ay punong-puno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpapadami ng ating dugo.

Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito yung lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan.

Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat masanay ang bata na kumain nito.
Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.

At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno at mga volunteer groups.

Para sa Maysakit

1. Pampalakas ng katawan – Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.

2. Pampadami ng gatas ng ina – Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.

3. Para sa constipated – Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1-2 tasang dahon sa gabi. Makatutulong ito sa pag-normal ng iyong pagdudumi.

4. Itapal sa sugat – Kapag ika’y may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na malunggay leaves sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.

Marami pang galing na tinatago ang malunggay. Kaya magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran. Alamin kung paano gagawing negosyo ang malunggay. Good luck. (Salamat Dok via Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Zamboanga City Government News Bits March 8, 2015
Next: House-approved unified student financial aid plan nears Senate passage

Related News

CKD1
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

Editor June 27, 2025
PhilHealth-Artcard
  • Health
  • National

PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services

Editor June 19, 2025
Siemen2
  • Business
  • Health
  • National

Siemens Healthineers has been recognized as one of Philippines’ Best Employers in 2025

Editor June 19, 2025

Trending News

Volvo Construction Equipment Unveils New Generation Excavators in Grand Philippine Launch Volvo5 1
  • Business

Volvo Construction Equipment Unveils New Generation Excavators in Grand Philippine Launch

July 4, 2025
Manifest that dream trip with your Metrobank credit card Metrobank-Travel-Fair 2
  • Business

Manifest that dream trip with your Metrobank credit card

July 2, 2025
Acer and SB19 mark 5 years of collaboration with outstanding achievements SAW-in-Taipei-2 3
  • Business

Acer and SB19 mark 5 years of collaboration with outstanding achievements

July 2, 2025
Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 4
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 5
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.