
MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / Jan. 20, 2014) – Sinigurado ni Mayor Benzar Ampatuan ng bayan ng Mamasapoano sa Maguindanao ang suporta ng pamahalaang lokal sa anti-poverty program ng gobyerno.
Sinabi ni Ampatuan na malaking tulong sa mga mahihirap ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng gobyerno na ipinatutupad naman ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ibinibigay ng DSWD ang maliit na halaga sa bawat maralitang pamilya na dumaan sa screening ng naturang ahensya upang matiyak na lehitimo ang mga ito. Mismong sa bangko sa pamamagitan ng ATM o automated teller machine makakuha ng isang pamilya ang halagang inilagak ng pamahalaan para sa mga benepisyaryo nito.
Ilang ulit na rin binibisita ni Ampatuan ang mga benepisyaryo ngunit naaawa umano ito sa paghihirap ng mga pamilyang na pumipila pa ng mahaba upang makuha sa ATM ang tulong-pinansyal ng DSWD.
Mino-monitor naman ni Ampatuan ang programa ng DSWD upang makasigurong sa lehitimong benepisyaryo ito mapupunta. Halagang P1500 bawat pamilya ang ibinibigay ng DSWD sa mga ito. (Mark Navales)