Kinabog nang husto ni Beyonce sina Bruno Mars at Chris Martin ng Coldplay dahil sa kanyang nakakabaliw na performance sa half-time show ng Super Bowl 50.
Sabado ng gabi pa lang ay inaabangan na ng fans ang magiging performance ni Queen B, lalo na’t ni-release nito ang bagong music video titled Formation kunsaan tampok ang anak nila ni Jay-Z na si Blue Ivy.
Malakas ang dating ng music video dahil pinapakita rito ang black female pride.
Noong oras na ng paglabas ni Beyonce nu’ng Sunday sa half-time show, sa costume pa lang ay nangabog na si Queen B dahil ang suot nito ay skintight leather and Michael Jackson-style military gold sashes.
Kasama niyang umentra ang female dancers na nakadamit ‘70s Black Panthers at walang katulad ang kanilang choreography.
Ito ang ikalawang beses na nag-perform si Beyonce. Una siyang nag-perform sa Super Bowl noong 2013 kunsaan nagkaroon ng reunion ang girl group niya na Destiny’s Child at nawalan ng kuryente ang kalahati ng stadium dahil sa sobrang tindi ng pagpapalabas niya. (Ruel Mendoza)
Link: http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/42183/beyonce-kabog-ang-eksena-sa-super-bowl-.html