Ang matagumpay na bible study na idinaos ng Jesus Miracle Crusade International Ministrysa mga miyembro ng militar at pulisya sa Cagayan province sa northern Luzon.
CAGAYAN PROVINCE – Patuloy ang pamamayagpag ng Jesus Miracle Crusade International Ministry sa Cagayan province sa northern Luzon na kung saan ay maraming mga mamamayan sa ibat-ibang barangay ang nakiisa sa bible study na inulunsad ng maimpluwensyang grupo.
Bukod sa mga sibilyan, nagsagawa rin ng bible study ang Jesus Miracle Crusade International Ministry sa mga kasundaluhan ng 17th Infantry Battalion at Regional Public Safety Battalion ng pulisya sa bayan ng Bag-gao.
Pinangunahan ni Brother Danny Cuarteros ang naturang bible study na isinasagawa rin sa ibang bahagi ng Luzon, kabilang na ang Visayas at Mindanao at gayun rin sa labas ng bansa sa pangunguna naman ni Minister Wilde James Almeda.
Kamakailan lamang ay maraming mga rebelde sa Bukidnon province sa Mindanao ang sumama at umanib sa Jesus Miracle Crusade matapos na mamulat ang kanilang mga mata at kaisipan sa Salita ng Diyos na dinala ni Cuarteros sa kabundukan ng mga Manobo natives.
Isa ang Jesus Miracle Crusade International Ministry sa pinakamalaking religious groups sa Pilipinas. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates