
Tila nagdiriwang ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamuic Freedom Fighters habang nakataas ang mga armas sa Maguindanao province. (Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)
MAGUINDANAO – Dalawang sundalo ang pinatay sa labas ng isang simbahan sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao, isa sa 5 lalawigan ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina PFC. Rex Limpahan at PFC. Edward Baes, na parehong nakatalaga sa 62nd Division Reconnaissance Company sa naturang lugar.
Nabatid na birthday pa diumano ni Limpahan kung kaya’t dumaan ito sa simbahan nitong Martes at sinamahan lamang ng best friend nitong si Baes.
Walang lumutang na testigo sa pamamaslang, ngunit agad naman itong ibinintang ng militar sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na nakikibaka para sa isang Islamic caliphate sa Mindanao.
Ayon sa militar, ilang beses na rin inatake ng BIFF ang kampo ng sa 62nd Division Reconnaissance Company at gayun rin ang 61st Division Reconnaissance Company sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa lalawigan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net