Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Binay binatikos ng husto dahil sa alyansa sa mga Ampatuan!
  • Featured
  • Mindanao Post

Binay binatikos ng husto dahil sa alyansa sa mga Ampatuan!

Desk Editor April 13, 2016
MAGUINDANAO – Umani ng batikos mula sa mga ibat-ibang sektor at media groups si UNA presidential bet Jejomar Binay matapos itong makipagtaasan ng kamay sa mga Ampatuan na suspek sa 2009 Maguindanao masaker.
 
Kabilang rin ang mga kaalyado ng Ampatuan clan sa rally ni Binay kamakailan sa lalawigan na kung saan ay kasama nito si Sajid Ampatuan na tumatakbo bilang mayor ng Sharrif Aguak.
 
Si Sajid ay anak ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at kapatid ni Zaldy Ampatuan, ang ex-governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na mga akusado sa brutal na pagpatay sa 58 katao sa naturang lalawigan.
 
Bukod sa mga Ampatuan, inindorso pa ni Binay si Ali Midtimbang at Tucao Mastura na parehong kaalyado ng nasabing angkan. Si Midtimbang ay tumatakbo bilang governor ng Maguindanao kasama ang running mate na si Dustin Mastura.
 
Si Tucao Mastura naman ay kandidato sa pagka-congressman ng lalawigan. Dating mayor ito ng Sultan Kudarat at naging governor ng Shariff Kabunsuan province at tumakbo rin bilang governor ng Maguindanao noon 2013 sa partido ng UNA o United Nationalist Alliance.
 
Si Sajid ay nakalabas ng bilangguan matapos na mag-piyansa ng mahigit sa P11 milyon kung kaya’t muli nitong itinatatag ang kapangyarihan ng mga Ampatuan. Naroon rin sa rally ang asawa ni Sajid na si re-electionist Zandria Ampatuan na mayor naman ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha at si re-electionist Mamasapano Mayor Benzar Ampatuan.
 
Ipinagtanggol pa ni Binay si Sajid sa harapan ng libo-libong katao sa rally at sinabi nitong mahina ang ebidensya laban sa nakakabatang Ampatuan kung kaya’t pinayagan ng korte na makapag-piyansa.
 
Tanging si Sajid lamang ang pinayagan ng korte sa maraming mga nakapiit na sangkot o suspek sa brutal na pagpatay ng mga kalaban ng Ampatuan sa pulitiko, kasama na dito ang mga reporters na nasa convoy ng pamilyang Mangudadatu. Mahigpit pa rin ang hawak ng mga Ampatuan sa kanilang lalawigan sa kabila ng sinapit na trahedya ng angkan.
 
Tadtad si Binay ng asuntong korapsyon, ngunit ilang beses rin nitong sinabi na ang korte lamang ang siyang pedeng humusga sa kanya at pamilya nitong nadadawit sa alegasyon ng pagnanakaw. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: MILF Chieftain Murad Ebrahim binatikos! – Mindanao Examiner Regional Newspaper Apr. 11-17, 2016
Next: US officials confirm Zika causes severe birth defects – Al Jazeera

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.