SULU – Nanawagan ngayon si Sulu Vice Governor Sakur Tan sa publiko na maging mapanuri sa mga natatanggap na text messages mula sa mga ibat-ibang grupo na ang layunin ay guluhin lamang ang katamihimikan sa naturang lalawigan.
Ito’y matapos na makatanggap si Tan ng mga sumbong mula sa mga sibilyan ukol sa diumano’y napipintong pag-atake ng mga armadong grupo sa Pata Island, bagama’t may naiulat na panandaliang putukan doon, at sa iba pang mga lugar sa Sulu.
Sinabi ni Tan na maraming mga black propaganda ang kumakalat sa lalawigan simula pa ng maghain ang mga pulitiko ng kanilang kandidatura para sa halalan ngayon taon. Ayon kay Tan, mahigipit ang seguridad na pinaiiral ng pulisya sa ibat-ibang lugar sa Sulu at maging mga mayors at sibilyan ay tumutulong rin sa pagpapairal sa katahimikan doon.
Idinagdag pa ni Tan na posibleng kagagawan ng mga kalaban sa pulitiko ang mga nagkalat na text messages sa Sulu at ipaiimbestiga umano nito sa National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group ang mga text messages dahil sa nagbibigay ito ng takot sa publiko.
Nais ni Tan na matukoy ang mga nasa likod ng pananakot at pagkakalat ng mga maling impormasyon upang masampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates