Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Blackout sa Zamboanga, problema pa rin!

Blackout sa Zamboanga, problema pa rin!

Editor February 14, 2013
Elec-men-2-copy
  Isang lineman ng Zamboanga City Electric Cooperative ang abala sa kanyang trabaho sa Zamboanga City, ngunit kapuna-puna na wala itong gamit na leather o rubber gloves at iba pang mga safety equipment. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Feb. 14, 2013) – Patuloy na lumalala ang sitwasyon ng supply ng  kuryente sa Zamboanga City na kung saan ay inaabot ng 3 oras o higit pa ang araw-araw na blackout sa binansagang “Asia’s Latin City”.

At posible pang abutin ito ng hanggang 6 oras sa mga darating na buwan, ngunit sinisisi naman ng Zamboanga City Electric Cooperative ang kakulangan ng kuryente na ibinibigay ng National Grid Corporation (NGCP) sa naturang lungsod.

Ngunit hugas-kamay naman ang NGCP sa kakulangan ng supply ng elektrisidad at sinabing ang National Power Corporation ang siyang nagpapatupad kung anong lugar at ilang megawatts ang dapat ibawas sa kuryente.

Kulang umano sa supply ng tubig ang hydropower facilities sa Mindanao kung kaya’t palaging blackout sa Zamboanga. Malaki na rin ang epekto nito sa negosyo, partikular ang maliliit na establishments at mga kaiinan.

May balitang papasok na naman ang Zamboanga City Electric Cooperative sa isang kontrata sa Therma Marine Inc. ng Aboitiz para sa dagdag na kuryente mula sa power barge.

Nuong nakaraang taon ay bumili rin ng 18 megawatts ng kuryente ang cooperative sa TMI.

Isang 100-megawatt coal-fired power plant ng Conal ang itatayo rin Zamboanga City, ngunit inaalmahan naman ito ng mga residente sa Barangay Talisayan na kung saan ito naka-plano dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan at kalusugan.

Ngunit pabor naman ang mga opisyal sa nasabing proyekto at katunayan ay binigyan agad ito ng pahintulot kahit wala pang public consultation. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: JV Ejercito Estrada visits Cebu Archbishop
Next: Philippine gunmen ‘demand to stay in Malaysia’

Trending News

Volvo Construction Equipment Unveils New Generation Excavators in Grand Philippine Launch Volvo5 1
  • Business

Volvo Construction Equipment Unveils New Generation Excavators in Grand Philippine Launch

July 4, 2025
Manifest that dream trip with your Metrobank credit card Metrobank-Travel-Fair 2
  • Business

Manifest that dream trip with your Metrobank credit card

July 2, 2025
Acer and SB19 mark 5 years of collaboration with outstanding achievements SAW-in-Taipei-2 3
  • Business

Acer and SB19 mark 5 years of collaboration with outstanding achievements

July 2, 2025
Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 4
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 5
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.