Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Bomba itinanim sa labas ng munisipyo sa Maguindanao

Bomba itinanim sa labas ng munisipyo sa Maguindanao

Editor May 10, 2014
unnamed-1-copy

Ang bomba na nabawi ng militar sa labas ng munisipyo. (Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)

COTABATO CITY (Al Jacinto / May 10, 2014) – Isang bomba ang nabawi ng militar matapos itong iwan sa labas ng municipal hall ng Shariff Aguak sa lalawigan ng Maguindanao sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sinabi ng militar na natagpuan ang bomba nitong gabi ng Biyernes at hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod nito, ngunit nabawi ito matapos ng matinding sagupaan sa kalapit na bayan ng Rajha Buayan na kung saan ay nakasagupa ng mga tropa ang isang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Alarmado naman si Shariff Aguak Mayor Zahara Ampatuan sa pagkakabawi sa bomba dahil tahimik naman umano ang kanyang bayan at kilala rin siya bilang isang peace advocate at supporter ng peace process.

Walang umako sa paglalagay ng bomba at hindi pa mabatid kung paano itong iniwan sa labas ng munisipyo gayun napakaraming sundalo at parak sa lugar.

Idinawit naman ni Col. Gener del Rosario, ang commander ng 1st Mechanized Brigade, ang BIFF sa ibat-ibang atake at pambobomba sa central Mindanao, kabilang na dito ang Maguindanao na isa sa 5 lalawigan sa ARMM.

Ang BIFF ay binuo ni dating Moro Islamic Liberation Front rebel leader, Ustadz Ameril Umra Kato matapos itong kumalas sa MILF ng akusahan nito si rebel chieftain Murad Ebrahim ng pagtalikod sa ipinaglalaban na Muslim independence sa Mindanao.

Lumagda na ang MILF ng peace agreement sa pamahalaan Aquino at inaasikaso na ng magkabilang panig ang pagbuo sa Bangsamoro Basic Law na siyang magiging gabay sa bagong Muslim homeland sa rehiyon. (Mark Navales)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Suspen disse a pellen tesque dui
Next: Aquino arrives in Myanmar for ASEAN Summit

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 2

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 3

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 4

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 5

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.