
BASILAN PROVINCE – Isang sibilyan ang patay at isa rin ang sugatan matapos na sumabog ngayon Biyernes ang isang improvised explosive device sa bayan ng Sumisip sa magulong lalawigan ng Basilan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Hinihinalang Abu Sayyaf ang nasa likod ng atake sa naturang bayan. Iniwan umano ang bomba sa tabi ng highway na palaging dinaraanan ng militar at pulisya.
Walang umako sa naturang pagsabog, ngunit nitong nakaraang lingo lamang ay matindi ang naging sagupaan ng militar at Abu Sayyaf sa lugar.
Ang Sumisip ay ang lugar rin ni ARMM Gov. Mujiv Hataman na siyang nag-utos sa militar na huwag tatantanan ang operasyon kontra Abu Sayyaf.
Tatakbo rin umano si Hataman bilang governor ng Basilan kung sakaling matuloy ang bagong Bangsamoro regional government. Makakabangga naman nito ang sariling kapatid na si Rep. Jim Salliman at ang anak ni incumbent Gov. Jum Akbar.(Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News