
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 5, 2012) – Posibleng pulitika ang dahilan ng mga sunod-sunod na pambobomba sa compound at labas ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City.
Ito ang nakikitang dahilan ng militar at ang ugat nito ay ang umano’y pamumuno ni Gov. Mujiv Hataman.
Matatandaang nagsimula ang mga serye ng pagsabog sa lugar ng i-appoint ni Pangulong Benigno Aquino ang kaibigan nitong si Hataman bilang Officer-In-Charge ng ARMM dahil sa kawalan ng tiwala ng pamahalaan kay ARMM Vice Gov. Ansaruddin Adiong na siyang OIC ng makulong si ARMM Gov. Zaldy Ampatuan dahil sa pagkakasbit nito sa masaker ng 57 katao nuong 2009 sa Maguindanao province.
Marami umano ang ayaw sa liderato ni Hataman at ito ang dahilan ng mga atake sa Cotabato. Bigla rin lumutang ang grupong Bangsamoro Independence Movement (BIM) at Bangsamoro Youth Movement (BYM) na siyang sinasabing nasa likod ng mga atake.
Bago pa man ng mga consultaion sa Mindanao at selection process na inilunsad ng ARMM kung sino ang magiging OIC ay napili na umano si Hataman dahil sa pagigng malapit nito kay Aquino at ‘moro-moro’ o palabas na lamang ang naganap upang papaniwalain ang publiko na ang dating kongresista ang siyang gusto ng mga Muslim na mamuno sa kanila.
Hindi naman kumbinsido si Hataman sa naturang angulo ng militar at kahit bago umano ito umupo ay may mga bombahan na doon. (Mindanao Examiner)