
CEBU CITY – Isang pampasaherong bus na pagaari ng Ceres ang tumagilid ngayon araw ng Linggo matapos na umano’y mawalan ng kontrol ang driver nito sa bayan ng Carmen sa Cebu province sa Visayas.
Nabatid sa mga ulat na halos 40 ang bilang ng mga pasaherong nasaktan o sugatan sa aksidente na naganap sa Barangay Dauis. Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang pasahero, ngunit hindi naman agad nakilala ang mga ito.
Sumadsad umano sa gutter ang bus na minamameho ni Ronald Lato matapos itong mawalan ng kontrol habang nakikipag-unahan sa isang motorsiklo kung kaya’t ito ay tumagilid. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap at posibleng kasuhan ang driver dahil sa naganap.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang may-ari ng bus. (Cebu Examiner)