
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Feb. 7, 2013) – Isang barko na may dalang mga semento ang sumadsad sa isang maliit na isla na sakop ng Basilan province, ngunit wala naman ulat ng oil spill or pagkasira ng mga corals.
Ayon sa Philippine Coast Guard ay nasiraan umano ang naturang barko kung kaya’t napadpad sa Dasalan Island.
May karga umanong halos 20,000 bag ng semento ang barkong MV Ladylin na patungo sana sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Agad naman sinuspinde ng Maritime Industry Authority ang safety cargo certificate ng barko habang patuloy ang imbestigasyon.
Walang inulat na nasaktan sa aksidente. (Mindanao Examiner)