
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 17, 2013) – Sa halip na maglinis ng kapaligiran ay mistulang namamasyal lamang ang mga grupong ito ng war refugees habang bitbit ang kanilang mga walis at dust pan sa Zambanga City – sila ay ilang lamang sa daan-daang pamilya na binigyan ng pansamantalang hanap-buhay ng pamahalaan sa ilalim ng ‘cash-for-work’ program.
Ngunit malaking puna ngayon mula sa mga ito ay ang katamaran ng ilang mga refugees na gawin ang kanilang trabaho. Kalimitan ay isang malaking grupo ang nagkakasama-sama sa halip na maghiwa-hiwalay ng mga lugar. Wala umanong pagsisikap ang mga refugees sa pansamantalang hanap-puhay na ibinibigay ng pamahalaan.
Ang cash-for program ay inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng ng pamahalaan at nongovernmental organizations upang makatulong sa ikabubuhay ng mga residente dito na apektado sa tatlong linggong sagupaan noong Setyembre sa pagitan ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front at militar.
Sa ilalim ng programa ay binibigyan ang mga refugees ng P214 bawat araw sa loob ng isang buwan at tinatayang mahigit sa 23,000 pamilya ang makikinabang dito. (Mindanao Examiner)