
Sa bayan ng Tarragona sa Davao Oriental province ay maraming lugar ang lubog sa baha at ilang kalsada ay hindi madaanan dahil sa landslide, ayon kanina kay Mayor Nestor Uy.
Patuloy ang clearing operation sa ibat-ibang lugar upang madaanan ang mga kalsada. Sa ngayon ay tanging mga “habal-habal” o motorsiklo lamang ang ginagamit upang maihatid ang mga relief goods sa mga evacuation center.
Tatlong araw na rin na walang kuryente sa lugar dahil nasira ang mga kable ng kuryente at tanging generator sets lamang ang ginagamit, ayon kay Uy.
Anim na katao ang nawawala matapos silang mahagip ng landside sa isang mining area sa Tarragona at isa ang kunmpirmadong nasawi sa flash flood. Umabot na 500 pamilya ang nagsilikas dahil sa baha.
Ayon bulletin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ay posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa Mindanao dahil sa ulan sanhi ng low pressure area.
Sa Davao Oriental ay ilang mga tulay rin ang nasira at hindi na rin madaanan ang maraming bayan doon, ayon naman kay Gov. Corazon Malanyaon. (Mindanao Examiner)