
CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / Jan. 9, 2013) – Maugong ang balita na posibleng suspindehin ng Malakanyang si Cagayan de Oro City Vicente Emano kaugnay diumano sa ibat-ibang reklamo laban sa kanya.
Kabilang sa mga ito ay ang diumano’y kapabayaan ni Emano sa kasagsagan ng bagyong Sendong na ikinamatay ng napakaraming tao sa Cagayan de Oro.
Ngunit iba naman ang tingin dito ni Emano at pulitika umano ang dahilan nito kung sakaling totoo ang balita tulad ng naganap kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na sinuspinde ng 6 buwan ng Malakanyang dahil sa isang reklamong administratibo.
Si Emano ay may sariling partido – ang Padayon Pilipino – at tumatakbo sa ilalim ng United Nationalist Alliance. (Mindanao Examiner)