
CEBU – Binayo ng husto ng Bagyong Seniang ang lalawigan ng Cebu at isang tulay ang nawasak sa bayan ng Sibonga at 8 landslides ang inulat sa ibat-ibang lugar doon at tatlong katao rin ang nasawi sa naturang rehiyon.
Trapped ngayon ang maraming residente sa Sibonga matapos na maputol ang Dumlog Bridge dahil sa tindi ng bagyo at lakas ng hangin nito. Apat na landslide ang naiulat sa bayan ng Compostela at hindi na madaanan ng mga sasakyan ang provincial roads doon.
Apat na iba pang landslides o pag-guho ng lupa sa Barangay Valencia, Guadalupe, Lepanto at Montpeller. Nagkalat rin ang mga punong-kahoy sa kalsada at maraming taniman ang nasira.
Tatlong menor-de-edad ang nadagdag sa casualties ng bagyo – isang bata na edad 8 ang nalunod sa bayan ng Ronda at dalawang teenager naman ang nakuryente sa Bohol.
Maraming kabahayan rin ang nasira dahil sa pagbaha at lubog rin ang mga barangay dahil sa mga umapaw na ilog doon. Ipinag-utos naman ni Gov. Hilario Davide III ang pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa ibat-ibang evacuation site.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, patungo sa lalawigan ng Palawan ang Bagyong Seniang kung kaya’t inaabisuhan na ang lalawigan na maghanda.
“Tomorrow (December 31), stormy weather will prevail over the province of Palawan as Tropical Storm “Seniang” is expected to move closer towards the aforementioned area. Western Visayas will experience rains and occasional gusty winds. Bicol Region, CALABARZON, and Eastern Visayas will be cloudy with scattered light to moderate rain showers and thunderstorms,” ani acting PAGASA Administrator Vicente Malano.
“By Thursday (January 01), Tropical Storm “Seniang” is expected to traverse the province of Palawan. Stormy weather will prevail over the area and sea conditions will be rough to very rough,” dagdag pa nito.
Nag-iwan ng malaking pinsala ang bagyo sa Mindanao at 6 katao ang kumpirmadoing nasawi doon dahil sa ilang araw na ragasa nito. Tatlong katao ang huling nasawi sa Mindanao sa kasagsagan ng bagyo at libo-libong pamilya ang apektado nito. (Cebu Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/