
CEBU – Pinangunahan nina Cebu Governor Hilario Davide III at Vice Governor Agnes Magpale ang pagbibigay ng mga bagong Nissan ambulance sa ibat-ibang bayan sa lalawagin.
Sinabi ni Davide na kabilang sa mga binigyan ng sasakyan ay ang Toledo City, Lamac at Camugao (sa Pinamungaja), Cordova, Kawasan, Aloguinsan, Awihao (Toledo) at Badian. At multicabs naman sa Garing, Consolacion at Ibabao, Sogod.
Todo-todo naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap na sasakyan na magagamit na umano nila sa mga ibat-ibang emergency sa kanilang lugar.
Hinimok ni Davide at Magpale sa mga ito na panatilihing nasa magandang kondisyon ang mga sasakyan upang ito ay magtagal at mapanatili ang magandang kondisyon nito. (Cebu Examiner)