KIDAPAWAN CITY – Iginiit ni North Cotabato 3rd District Board Member Socrates Pinol na panahon na para bisitahin at repasuhin ang charter ng Professional Regulatory Commission o PRC.
Pahayag ito ng opisyal matapos na makita na hindi na angkop sa makabagong panahon ang proseso sa nasbaing ahensiya ng gobyerno. Aniya pa, hindi umano sumipot sa kanilang regular na session nitong nakaraang linggo ang mga opisyal ng PRC sa isang resolusiyon na kanyang ipinasa sa Sangguniang Panlalawigan.
Ito upang ipatawag ang mga opisyales ng PRC para paliwagain kung anu ang proseso sa pag-file ng exam, pagkuha ng lisensiya at pag-renew nito. Matagal na umanong problema ang pahiraping pila sa mga tanggapan ng PRC.
Napapanahon na umanong bisitahin ang charter na ito upang i-repaso o amiyendahan upang maka-angkop sa kasalukuyang panahon. Dagdag pa nito na ang pang-gobyerno ay pag-gawa kung paano maging komportable ang pamumuhay ng mamamayan. (Rhoderick Beñez)