Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Chiz, tigilan mo na si Pangulong Erap: JV Ejercito Estrada

Chiz, tigilan mo na si Pangulong Erap: JV Ejercito Estrada

Editor March 24, 2013
JV-4
 Rep. JV Ejercito Estrada.

MANILA (Mindanao Examiner / Mar. 24, 2013) – Ipinagtanggol ni UNA senatorial candidate JV Ejercito Estrada ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa mga patutsada ni Senator Chiz Escudero ukol sa kanyang kontrobersyal at eskandalosong relasyon sa mas batang si Heart Evangelista.

Ibinabato ni Escudero kay Erap ang mga bintang kung bakit dismayado ang mga magulang ni Heart sa kanyang relasyon sa dalaga. Matatandaang nagpatawag ng press conference ang mga magulang ni Heart at tahasang tinuligsa ng mga ito ang naturang pakikipag-relasyon ng kanilang anak sa mas matandang si Escudero.

Sinabi pa ng ama at ina ni Heart na sa tuwing haharap sa kanila si Escudero ay palagi itong lasing o naka-inom at hindi marunong magbigay ng respeto sa sarili nilang tahanan. Binansagan pang arogante ng mga magulang ni Heart ang pulitiko na umano’y na-brainwash na ang dalaga.

Paulit-ulit naman na nakikiusap ang mga magulang ng batang aktres sa matandang si Escudero na layuan ang kanilang anak dahil wala umano itong kinabukasan sa kanya na hiwalay sa asawa.

Mariin naman itinanggi ni JV Ejercito Estrada na may kinalaman ang kanyang ama sa mga batikos na tinatanggap ni Escudero mula sa pamilyang Evangelista at sa mga fans ng aktres at kaibigan.

“President Erap is busy with his own campaign in Manila. Wala sa character niya ang pagiging bengador at namemersonal. Alam naman ng lahat yan, kahit mga taong-Simbahan at mga naging kabahagi ng EDSA 2 ay nakakapagpatunay diyan,” wika pa ni JV Ejercito Estrada.

Dapat umanong tigilan na ni Escudero ang pagbibintang kay Erap, na tumatakbo sa mayoralty race sa Maynila. “Sana tigilan na ang katuturo ni Chiz sa aking ama bilang nasa likod ng paglalantad ng tunay niyang pagkatao. Siya nga ang nang-iwan sa Ninong niya nuong 2010, kaya baka minumulto siya ng ginawa niya sa aking ama. Baka naman may nagawa siyang kasalanan sa ibang tao. Bakit ba lagi na lang si Pangulong Erap ang nakikita niya,” himutok pa ni JV Ejercito Estrada.

Inaanak ni Erap sa kasal si Escudero at naging guest candidadate rin ng United Nationalist Alliance, ngunit ang Team PNoy naman ang sinamahan nito sa kabila pa ng pagiging malapit nito kay Erap at Bise Presidente Jejomar Binay.

May balitang ginagamit lamang diumano ni Chiz ang kasikatan ng batang aktres para sa sariling political gains.

“Sa ganang akin, kung anuman ang problemang dumarating sa atin, baka mas magandang sa halip na maghanap sa ibang kapawa ng matuturong may sala eh mas mabuting tignan ang sarili at tanungin kung saan nagkamali. Holy Week ngayon, napakainam ng pagkakataon na ito para mag-reflect sa sarili at humingi ng kapatawaran sa Maykapal at sa ating kapwa,” sabi pa ni JV Ejercito Estrada na patama naman kay Escudero. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: NPA rebels to free POW in Mindanao
Next: Bihag na parak ng NPA palalayain na

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.