
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / July 16, 2012) – Isang coastal clean-up ng mga estudyante sa Basilan province ang nauwi sa sakuna matapos na mawalan ng kontrol ang driver ng kaniolang truck at bumaligtad ito sa kalsada.
Sa ulat ng pulisya ay nabatid na patungo sana sa Barangay Calugusan sa Isabela City ang truck na hiniram ng kanilang paaralan sa militar ng ito’y bumaligtad sa highway kamakalawa ng hapon.
Isang civic action program ang isasagawa sana ng mga estudyante ng maganap ang aksidente.
Masuwerte umano at walang nasawi sa aksidente, ngunit sugatan naman ang mahigit sa tatlong dosenang mga estudyante ng Furigay College sa Lamitan City at kanilang guro.
Hindi naman mabatid kung paanong nawalan ng kontrol ang driver, subalit iginiit naman ng paaralan na walang dapat sisihin sa naganp dahil aksidente ito. Nangako rin ang pamunuan ng paaralan na sasagutin ang lahat ng gastusin sa opsital ng mga nasaktan. (Mindanao Examiner)