
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Oct. 31, 2012) – Inireklamo ng maraming mga residente sa Zamboanga City na hindi umano sila nakapag-rehistro sa Commission on Elections nitong Miyerkoles matapos na itigil ng poll body ang pagbibigay ng mga registration forms.
Ngayon Oktubre 31 ang itinakda ng Commission on Election na deadline sa pagrerehistro ng mga botante matapos na ibasura ang lumang mga talaan nito.
Hindi pa mabatid kung ilan libong katao ang hindi nakapag-rehistro sa Zamboanga, ngunit inamin ng poll body sa Zamboanga na nag-desisyon ito na itigil ang pagbibigay ng registration form upang ma-process naman ang mga nag-rehistro nuong Oktubre 30.
Hindi agad makunan ng pahayag ang pamunuan ng Commission on Elections sa Maynila sa naging decision ng poll body sa Zamboanga City.
Reklamo rin sa Zamboanga ang mabagal na atensyon ng Commission on Elections sa mga nais na mag-rehistro. (Mindanao Examiner)