
ZAMBOANGA CITY – Inabot ng 5 oras bago maupula ng mga bumbero ang malaking sunog ngayon Lunes sa sentro ng Zamboanga City na kung saan ay isang sinehan at department store ang nilamon ng apoy.
Nagsimula ang sunog pasado alas 5 ng umaga sa kabahabaan ng Mayor Manuel Jaldon Street at agad naman itong kumalat. Nasunog rin ang mga ibat-ibang pribadong opisina sa lugar, ayon kay Mayor Beng Climaco na sumugod sa lugar upang tignan ang sitwasyon.
Agad na ipinag-utos ni Climaco ang isang masusing imbestigasyon sa sunog. Wala naman inulat na sugatan o nasawi sa naturang insidente.
“Thank God that there is no single casualty in the fire. The Fire Bureau is investigating this,” ani Climaco sa Mindanao Examiner regional newspaper.
Naabo sa sunog ang Viva Theatre at UniSales Department Store at umabot pa sa “general alarm” ang sunog kung kaya’t rumesponde na ang ibat-ibang fire stations at mga pribadong fire fighters upang maapula ang pagkalat ng apoy. (Ely Dumaboc)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper