
SULU (Mindanao Examiner / July 25, 2013) – Isang bagong proyekto na naman ang inilunsad ni Sulu Gov. Totoh Tan bilang bahagi ng programang impraistraktura sa naturang lalawigan.
Sinabi ni Sulu Provincial Administrator Erwin Tan na handing-handa na ang concreting project ng Hajji Butu Junction Road sa Barangay San Raymundo sa bayan ng Jolo.
“Marami pang proyekto si Gov. Totoh Tan at sa ngayon ay uunahin muna natin yun concreting ng Hajji Butu Junction Road sa San Raymundo and then marami pang mga nakapilang projects at we are trying to identify pa ang mga ibang proyekto na magkakaroon ng malaking impact sa community.”
“Ito naman ang talagang gusto ni Gov. Totoh, yun mga projects na may malaking impact sa komunidad,” ani Administrator Tan sa Mindanao Examiner.
Magsasagawa rin umano ng malaking job fair si Gov. Totoh Tan at katuwang nito ang Department of Labor and Employment at iba pang ahensya ng pamahalaan. At inaayos na rin ang mobile passporting ng Department of Foreign Affairs sa Sulu upang matulungan ang mga taga-rito na makakuha ng passport.
Kamakailan lamang ay nagbigay rin si Gov. Totoh Tan ng mga PVC pipes para sa potable water system sa bayan ng Indanan.
Naunang ipinangako ni Gov. Totot Tan na tuloy-tuloy ang proyekto ng pamahalaang-panlalawigan at prayoridad nito ang mahihirap na komunidad sa ibat-ibang bayan sa Sulu. (Mindanao Examiner)