ZAMBOANGA CITY – Isang construction worker ang nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay province.
Sinabi ng pulisya na natagpuan ang bangkay ni Jorry Carpio, 30, ng sariling asawa at mga anak. Galing umano sa simbahan ang mag-iina ng magulantang sa nakitang katawan ni Jorry na nakabitay mula sa kanilang kisame.
Sinubukan pa umanong buhayin ng ginang si Jorry, ngunit bigo itong maibalik ang hininga ng asawa. Nabatid na tumulong pa ang mga anak ni Jorry na maibaba ito mula sa pagkakabigti.
Hindi naman nagsalita ang ginang na si Anna Jane ukol sa motibo ng pagpapatiwakal ng asawa. Patuloy kahapon ang imbestigasyon sa naganap, ayon kay Supt. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper