
COTABATO CITY – Nilusob ng dalawang armado ang Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City at niratrat ang tatlong security guards doon at tinangay ang isang M16 automatic rifle bago tumakas sakay ng kanilang motorsiklo.
Sinabi ng pulisya na patuloy ang pagsisiyasat sa naganap nitong Martes ng gabi na kung saan ay sugatan ang bantay ng naturang pagamutan. Nakilala ang mga security guards na sina Tasil Mohammad, Ameruddin Sumandal at Sahab Abdullah ng Goldfield Security Agency.
Bantay sa gate ng ospital ang mga security guards ng dumating ang “riding-in-tandem” at saka sila pinaulanan ng bala. Ayon sa pulisya, target ng mga salarin ang naturang M16 na hawak ni Mohammad.
Hindi naman mabatid kung bakit walang parak sa naturang pagamutan at kung bakit hindi agad naka-responde ang pulisya sa atake.
Noon 2008, dinukot rin ng tatlong armado doon si Dr. Milagros Yap at mapalad lamang na naharang mga sundalo ang grupo ng salarin at napatay ang isa sa sagupaan at nailigtas ang biktima, bagamat nakatakas ang dalawang mga kidnappers. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net