Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Tapat na paglilingko, isinusulong ng Civil Service Commission sa North Cotabato
  • Featured
  • Mindanao Post
  • National

Tapat na paglilingko, isinusulong ng Civil Service Commission sa North Cotabato

Desk Editor June 25, 2018

NORTH COTABATO – Magkatuwang at patuloy na isusulong ng Civil Service Commission o CSC 12 at ng Provincial Government of Cotabato ang integridad sa gobyerno at tapat na paglilingkod sa mamamayan.

Ito ang naging buod ng usapan sa pagitan nina CSC 12 Regional Director Resurrecion Pueyo at Cotabato Gov. Emmylou Mendoza matapos na magsagawa ng courtesy visit ang una sa Provincial Governor’s Office nitong nakaraang linggo.

Si Pueyo ay katatalaga lamang bilang Regional Director ng CSC 12 at nagsasagawa ngayon ng courtesy visits sa mga Provincial LGUs at iba pang sangay ng gobyerno sa Region 12.

Sinabi ni Pueyo na sa pamamagitan ng programa ng Serbisyong Totoo ng Provincial Government of Cotabato ay makakamtan ng mga Cotabateňo ang tapat at mahusay na serbisyo publiko.

Kaugnay nito pinuri ng opisyal ang administrasyon ni Gov. Mendoza sa patuloy na pagsisikap na maiparating sa mga constituents ang wastong serbisyo alinsunod sa mga proseso, polisiya, at adbokasiya ng CSC.

Kasama din sa courtesy visit si CSC Provincial Field Office Director Ma. Josefina Buenbrazo at nagpasalamat sa patuloy na suporta at pakikiisa ng mga empleyado ng provincial capitol sa isinusulong na mga programa ng CSC.

Sinabi naman ng gobernador na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya upang mapanatili ang integridad, disiplina, at maayos na serbisyo  ng mga manggagawa ng kapitolyo. (Rhoderick Benez)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Kidapawan pursigido sa housing project, may-ari ng lupa umalma!
Next: Sayyaf fighter captured in Sulu

Related News

ZC1
  • Mindanao Post

Zamboanga Winners Proclaimed

Desk Editor May 13, 2025
PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2
  • Health
  • National

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

Desk Editor May 9, 2025
Philippines_Poverty_Mel_Hattie
  • National

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

Desk Editor May 9, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road Home-Credit1 3

Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road

May 10, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 4

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 5

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.