TACURONG CITY – Sa pinagsamang koordinasyon at pakikipag-tulungan ng iba’t ibang sektor sa dito, pormal na inilunsad ang pagpapatupad sa umiiral na city ordinance sa pagpapatupad ng curfew hours sa mga kabataan.
Sa naging panayam ng Mindanao Examiner kay Superintendent Junny Buenacosa, ang hepe ng pulisya dito, ay sinabi nito na pinaigting nila ang pagpapatupad sa naturang ordinansa at umapela pa ito sa magulang ng mga kabataan na tumulong sa nasabing batas.
Batay naman sa naitala ng Women’s and Childrene Desk Section ng lokal na pulisya sa ilalim ni Inspector Gillian Perez, umaabot sa halos 50 kabataan ang kanilang nasasakote kung saan ilan dito ay nagpapalipas ng oras sa presinto habang binibigyang kaalaman naman ang mga magulang ng mga ito hinggil sa sitwasyong naturan.
Pinatunayan din ng tala sa police blotter at investigation record na malaki o walang naitatalang krimen sapul pa nang masimulan ang nasabing operasyon lalung-lalo na sa insidente ng mga tinatawag ni Buenacosa na petty thievery o krimeng sangkot ang nasabing hanay.
Nilinaw din ni Buenacosa na katuwang ng pulisya ang ilang naatasan ng Pamahalaang Lungsod na mga kawani ng City Social Welfare and Development Office at sektor ng kabataan upang mabigyang patunay na hindi nalalabag ng awtoridad ang mga karapatang napapaloob sa mga ito.
Sa naging pahayag naman ni Perez ay sinabi nito na sumasailalim sa counseling ang mga kabataang nahuhuli sa paglabag sa curfew hours at kasama ang mga magulang o di kaya ay malapit na kaanak ng mga ito.
Sa pamamagitan din ng nakuhang pahayag mula sa ilang opisyales ng barangay sa Poblasyon, San Pablo, New Isabela, San Emmanuel at ilan pa, sila ay sang-ayon sa ginagawa ng pulisya at handa umano tumulong kung kailangan ang kanilang serbisyo habang pinatunayan nila na mula sa pulisya ay naging alerto at mapagmatyag din ang kanilang mga civilian volunteer organization kung saan sa ilalim ng programang “One PNP in a Barangay” ay malaki umanong bagay. (Rose Muneza)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News