ZAMBOANGA CITY – Tinupok ng malaking apoy kahapon ang lungsod ng Pagadian sa Zamboanga del Sur at daan-daang pamilya ang nawalan ng tirahan, ngunit hindi pa malinaw ang pinagmulan ng sunog.
Halos walang natira sa mga kabayahan sa Barangay San Pedro at Santiago matapos na kumalat ang apoy na mahigit sa dalawang oras rin nagtagal. Isa umanong lalaki ang nasawi sa naturang trahedya. Abala ngayon ang Bureau of Fire Protection sa isinasagawang imbestigasyon.
Karamihan sa mga bahay na naabo ay gawa sa kahoy o light materials at ito rin ang siyang dahilan kung bakit mabilis na kumalat ang apoy. Pahirapan rin ang mga truck ng bumbero na makalusot sa lugar dahil sa kapal ng mga residenteng naguunahan na mailigtas ang kanilang mga kagamitan.
Walang pahayag na inilabas ang Bureau of Fire Protection sa naganap hangga’t hindi tapos ang imbestigasyon. Hindi rin mabatid kung aksidente ang sunog o arson. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News