
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / July 13, 2012) – Tuluyan na ngang sinibak sa kanyang puwesto ang jail warden ng Maguindanao provincial jail matapos na makapuga ang isang notoryosong lider ng bandidong grupo at 10 iba pa.
Hindi naman mabatid kung sinampahan ng kasong administratibo si jail warden Kasan Odin kaugnay sa pagtakas ng grupo ni Datukan Samad, alias Commander Lastikman, kamakailan lamang.
Wala pang nahuhuli ang mga awtoridad sa mga pumuga na itinuturing na mapanganib. Hindi naman agad mabatid kung bakit nakalusot sa mga jail guards ang pagpuga ng mga bilanggo na nahaharap sa ibat-ibang kaso mula kidnappings-for-ransom hanggang sa pagpatay.
Nilagare ng mga bilanggo ang iron grill sa selda kung kaya’t nakasibat.
Nitong taon lamang ay nilusob rin ng mga tauhan ni Lastikman ang bilanguan nito, ngunit nabigo naman na maitakas ang lider dahil nanlaban ang mga jail guards. Tatlong katao ang nasai sa naturang atake matapos na pasabugan ng mga armado ang nasabing biolanguan.
Pinalitan naman ni Bukid Bama ang sinibak na jail warden, ayon kay Maguindanao Provincial Jail administrator Abdulwahab Tunga. (Mindanao Examiner)